Magulo ang buhay, sa totoo lang.
Andaming complications na pilit kong iniiwasan pero patuloy pa ring umiikot sa buhay ko. Madami ring mga bagay na simple lang naman sana pero ginagawa kong komplikado. May mga bagay din na matagal ko nang hinihintay, ginagawan ng paraan para makuha pero mailap pa rin at laging lumilihis sa plano (minsan may mga tao din under this category..).
Naiinip na ako.
Simulan sa love life. Ayoko sana magsulat tungkol dito with elaborate details pero wala akong kausap ngayon at gusto kong magkwento...kaya bahala na ang self-imposed censorship ko.
Tulad ng maraming bagay sa buhay ko, ito ay komplikado at nakakainip. Let's call them W, X, Y at Z (in no particular order).
Simple lang naman ang summary ng lovelife ko. I will meet someone who, for a period of time, would always be there for me -- right place, right time, with the right words at the right moment. Then we fall in love. Eventually, the relationship ends. After a while, uulit na naman. Someone at the right place, right blah blah blah...
Naiinip na ako. Sana dumating naman yung pagkakataon na tama lahat (kung may mali, kayang ayusin) at sa bandang huli walang mananakit, walang masasaktan.
Secondly (at mas importante 'to sakin kesa sa "lovelife" ko), frustrated na ako sa pag-aaral ko. Andami kong plano...at ayon sa plano, dapat sa mga oras na 'to ay di ang pagbblog ang inaatupag ko. Dapat sana nag-aaral na ako para sa board exams. Pero hindi. Fate has been cruel and delayed my plans not for one but for TWO whole years. Ang isang taon, kasalanan ko. Hinayaan kong madala ako ng mga emosyon ko kaya pati tuloy ang mga grades ko natangay. Yung isa pang taon, hindi ko talaga kasalanan. Ilang buwan din akong paulit-ulit na nagkakasakit matapos gawin yun sa akin ng department namin. Pinacancel ang mga subject na na-enrolan ko na sa kadahilanang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. Sayang ang isa na namang taon.
Gusto kong libutin ang maraming lugar. Pangarap ko yun e -- travel places. Isa din yon sa mga kailangan i-postpone dahil sa pagkadelay ko sa pag-aaral. Lahat, lahat ng nasa plano kailangan i-move.
Grade 6 pa lang ako gumawa na ako ng draft ng mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Second year high school ako nung ma-finalize ang plano. Sayang.
May problem number three pa. My biggest problem. Hindi ko na lang sasabihin. Tama na yung dalawa.